Sunday, January 4, 2009

Pananalakay ng mga Barbaro

Pananalakay ng mga Barbaro


Noong ikaapat na siglo C.E., ang karamihan sa mga tribung German sa Europa ay naninirahan sa silangan ng Rhine River at sa hilaga ng Danube River. Ang mga Ostrogoth o East Goth at Visigoth o West Goth ay naninirahan sa silangan at hilaga ng Black Sea. Ang mga tribung naninirahan sa kanluran ng mga Ostrogoth at Visigoth ay ang mga Vandal, Lombard, Alemanni, Burgundian at Frank.
Ang mga tribung Germanic ay tinawag na mga barbaro dahil kung ihahambing sa Imperyong Roman, wala silang nasusulat na batas, panitikan o pilosopiya.
Ang mga tribung Germanic ay nagbubungkal ng lupa at nagpapastol ng mga hayop. Sila ay malalaki at masisiglang tao. Sinasamba nila ang iba’t-ibang diyos tulad ni Tiw,Thor, at Freya.
Namayani ang mga tribung Germanic sa pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Roman. Sa pag-akyat ni Odoacer sa trono ng Rome, malaking bahagi ng Kanlurang IMperyong Roman ay nasa kamay na ng mga barbarong tribung Germanic –ang mga Angles at Saxon sa England; ang mga Frank sa Gaul; ang mga Visigoth sa Spain; at ang mga Ostrogoth sa Italy.


Awtor: Rose Ann Necio

Si Diocetian at Constantine

Constantine Diocletian


Si Diocetian at Constantine



  • Hinati ni Diocletian ang imperyo sa dalawa noong 285 C.E. dahil lubos na malaki daw ang imperyo para pangasiwaan ng isang tao.

  • Kumuha si Diocletian ng isang emperador upang pamunuan ang kanlurang bahagi samantalang siya ang nangasiwa sa silangang bahagi.

  • Ipinatupad niya ang pamumuno ayon sa prinsipyong despotism upang palakasin ang imperyo. Ang despotism ay nangangahulugang ang kapangyarihan ng pinuno ay walang hanggan o takda.


  • Muling pinag-isa ni Constantine ang imperyo noong 324C.E.

  • Pinagpatuloy ni Constantine ang pamahalaang despotic at gumawa ng higit na mahigpit na mga batas upang palakasin ang ekonomiya.

  • Inilipat ni Constantine ang kabisera ng imperyong Byzantium n binigyan niya ng bagong pangalan,”Constantinople”, alinsunod sa kaniyang pangalan sa kadahilanan na batid niya na ang kanlurang bahagi ng imperyo ay humihina samantalang ang lakas ng imperyo ay nakasalalay sa mga lalawigan sa silangan.

  • Pansamantalang pinigilan nina Diocletian at Constantine ang digmaang sibil at panghihina ng ekonomiya.


  • Tinangkang hadlangan nina Diocletian at Cnosatantine ang tuluyang pagkasira ng imperyo sa pamamagitan ng despotism.
    Subalit ito ay pagmamalabis sa kapangyarihan na hindi naging mabuti para sa imperyo.


Awtor: Rose Ann Necio

Pagbagsak ng Imperyong Roma

Pagbagsak ng Imperyong Roma






  • Ang paglusob ng mga barbarong tribung German ang karaniwang itinuturing na dahilan.


  • Ang kawalan ng katatagang pulitikal at maayos na pagpapalit ng emperador ay nagpahina sa imperyo.


  • Ang pag-upo ng mahinang emperador ay nagpadagdag sa kawalan ng katatagang pulitikal.


  • Mahina ang pundasyon ng ekonomiya ng imperyo.


  • Walang masyadong industriya at walang pagbabago sa teknolohiya.


  • Ang mababang antas ng teknolohiya at ang mataas na bahagdan ng walang trabaho ay dahil na rin sa dami ng alipin. Ang imperyo ay umasa na lang sa mga alipin kaysa tumuklas ng teknolohiya na magpapabilis sa produksyon.

Awtor: Rose Ann Necio

Pag-unlad ng mga Bayan at Lungsod at Pag unlad ng Kalakalan, Espesyalisasyon at Guilds


Pagunlad At Pagbagsak Ng Ewan


http://static.slideshare.net/swf/ssplayer2.swf?doc=pagunlad-at-pagbagsak-ng-ewan-1231056998154956-1&stripped_title=pagunlad-at-pagbagsak-ng-ewan-presentation" />http://static.slideshare.net/swf/ssplayer2.swf?doc=pagunlad-at-pagbagsak-ng-ewan-1231056998154956-1&stripped_title=pagunlad-at-pagbagsak-ng-ewan-presentation" type="application/x-shockwave-flash" allowscriptaccess="always" allowfullscreen="true" width="425" height="355">


View SlideShare presentation or Upload your own.


Awtor: Lance Tanghal


Mga Anyong Lupa at Tubig sa Daigdig

Mga Anyong Lupa at Tubig sa Daigdig

http://static.slideshare.net/swf/ssplayer2.swf?doc=powerpoint-1-1231056757195986-1&stripped_title=mga-anyong-lupa-at-tubig-sa-daigdig-presentation" />http://static.slideshare.net/swf/ssplayer2.swf?doc=powerpoint-1-1231056757195986-1&stripped_title=mga-anyong-lupa-at-tubig-sa-daigdig-presentation" type="application/x-shockwave-flash" allowscriptaccess="always" allowfullscreen="true" width="425" height="355">

View SlideShare presentation or Upload your own.


Awtor: Nikka Aguilar


Pagkakatatag ng mga Nation State



http://static.slideshare.net/swf/ssplayer2.swf?doc=pagkakatatag-ng-mga-nationstates-1231056911461278-1&stripped_title=pagkakatatag-ng-mga-nation-states-presentation"
/>doc="pagkakatatag-ng-mga-nationstates-1231056911461278-1&stripped_title=">http://static.slideshare.net/swf/ssplayer2.swf?doc=pagkakatatag-ng-mga-nationstates-1231056911461278-1&stripped_title=pagkakatatag-ng-mga-nation-states-presentation"
type="application/x-shockwave-flash" allowscriptaccess="always"
allowfullscreen="true" width="425" height="355">




Awtor: Lance Tanghal