Tuesday, January 6, 2009

Mga Isyung Pangkapaligiran sa Daigdig

Mga Isyung Pangkapaligiran sa Daigdig



  • Ang Pag-init ng Daigdig (o Global Warming sa Ingles) ay tumutukoy sa naranasang pagtaas ng katamtamang temperatura ng himpapawid at mga karagatan sa mundo nitong mga nakaraang dekada. Tumaas ng 0.6 ± 0.2 °Celsius (1.1 ± 0.4 °Fahrenheit) ang temperatura sa loob ng ika-20 siglo ang katamtamang pandaidigang temperatura. Ayon sa siyentipikong opinyon, “ang naranasang pag-init nitong huling 50 taon ay gawa ng tao”. Ang pagtaas ng antas ng carbon dioxide at iba pang mga greenhouse gases na resulta ng pagsunog ng produkto mula sa petrolyong langis, pagpapanot ng kagubatan, pagsasaka, at iba pang kagagawan ng tao ang mga pangunahing sanhi ng pag-init ng mundo.

  • Nagpapakita sa mga pagmamatyag na pag-aaral at ng mga modelong pangklima na ang pagka-sensitibo ng klima upang madoble ang antas ng CO2 ay mangyayari kapag tumaas ng 1.5-4.5 °C ang katamtamang temperatura. Ang mga modelong basihan ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) ay humuhula na ang pandaigdigang temperatura ay tataas sa pagitan ng 1.4 at 5.8 °C (2.5 hanggang 10.5 °F) mula taong 1990 hanggang 2100.

  • Sinasabing ang pagtaas sa pandaigdigang temperatura ay magdudulot ng malaking pagbabago kasama rito ang pagtaas ng karaniwang taas ng dagat at pagbabago sa dami ng mga pag-ulan. Ang mga pagbabagong ito ay sinasabing magpaparami sa dalas at lakas ng mga mapanirang kalagayan ng panahon tulad ng baha, tag-tuyot, bugso ng init (heat waves), bagyo at buhawi. Sinasabing ang pag-init ay makaaapekto sa bilang at tindi ng mga ito, Mahirap na iakibat ito sa partikular na kalagayan ng panahon sa pag-init ng mundo. Gayunman, ang mga pag-aaral ay nakatuon sa panahon hanggang taong 2100 na ang pag-init (at pagtaas ng pantay laot mula sa pag-aalsang dulot ng init) ay patuloy na mangyayari dahil sa ang CO2 ay may mahabang buhay sa himpapawid.

  • May maliit na bilang na mga siyentipiko ang laban sa pananaw na ang gawa ng tao ang nagdudulot ng malaki sa pagtaas sa temperatura nitong nakaraang panahon. Gayundin, walang katiyakan ang nakapalibot rito kung gaanong kalaking pagbabago sa panahon ang makikita sa darating na araw. May mainit na debateng politikal at publiko kung paano mapabababa o mababaliktad ang pag-init sa darating na panahon at kung paano haharapin ang mga bunga nito.
    Ang katagang “global warming” (pag-init ng mundo) ay isang tiyak na dulot ng mas malawak na katagang “climate change’ (pagbabago sa klima) (na tumutukoy din sa paglamig tulad ng nangyari noong Edad Yelo). Sa prinsipyo nito, nyutral ang global warming sa dahilan nito ngunit sa karaniwang gamit, kalimitang pinahihiwatig na may papel ang tao sa pag-init ng mundo. Gayunman, ginagamit ang ‘climate change’ ng UNFCCC sa pagbabagong gawa ng tao, at ‘climate variability’ (pabago-bago ng klima) na dulot ng ibang kadahilanan. Ang ilang organisasyon ay gumagamit ng katagang 'anthropogenic climate change' sa pagbabagong dulot ng tao.