Tuesday, December 30, 2008

Ang Simbahang Katoliko noong Gitnang Panahon

ANG SIMBAHANG KATOLIKO SA GITNANG PANAHON





Noong unang daantaon B.C.E. umusbong ang isang bagong pananampalataya sa Palestine. Ito ay ang Kristyanismo.
Ang pananampalatayang ito ay nababatay sa mga aral ni jesus at nagsilbing gabay sa mga tao sa panahong punung-puno ng kaguluhan at tila kawalan ng pag-asa ang lupain.


PASILANG NG KRISTYANISMO








  • Sa panahon ng panunungkulan ni Herod sa
    Palestine, isinilang si Jesus sa Betlehem.




  • Lumaki siya sa Nazareth at sa gulang na tatlumpu,
    pagkataposna binyagan sa Ilog Jordan, nagsimula
    na siyang mangaral sa mga tao.




  • Ang mga aral miya ay nagkaroon ng malaking
    epekto sa kanluran.




  • Kanyang tinanggap ang sampung utos bilang gabay ng mga tao sa tamang pamumuhay.










ANG KAPAPAHAN




























ang kinikilalang kapangyarihang noong panahong medieval ay ang Simbahang katoliko.
Ang kristyanismo ay mayroong limang dyosesis: ang Jerusalem, Antioch, Alexandria, Constantinople, at Rome. Ang bawat isa ay pinamumunuan ng Obispo.
Si San Pedro ang unang Obispo ng Rome, na siya ring pinaniniwalaang binigyan ng panginoong hesukristo ng “susi ng kalangitan.”
Nang bumagsak ang imperyong Romano, ang kapangyarihan ng mga Ceasar ay napasalin sa Papa ng Rome, na siyang naging takbuhan ng mga tao sa oras ng pangangailangan at kagipitan.

ANG PAMUMUNO NG SIMBAHAN







  • Ang pinakamataas na pinuno ng simbahan ay ang Papa. Tanging ang papa lamang ang may kapangyarihan espiritwal tungkol sa lahat ng bagay na may kinalaman sa relihiyon at morilidad.




  • Ang mga alagad ng simbahan ay maaaring secular o regular. Ang secular ay yaong naglilingkod na walang kinabibilangang Orden at regular kapag may sinusunod na mga alituntunin at namumuhay sa isang Monasteryo.




  • Ang unang Monasteryo ay naitatagsa Egypt at Syria noong nasa unang taon pa lamang ang kristyanismo.


Awtor: Jotham Paulino

Pag-usbong at Paglaganapng Kristyanismo



PAG-USBONG AT PAGLAGANAP NG KRISTYANISMO


Ø Sa panahon ng Middle Ages, ang Kristiyanismo at ang simbahan nito ang naging pinakamatatag na institusyon.
Ø Sinasabi ring ang paglakas ng kristyanismo ay isang salik na nakapagbabagsak sa imperyong Roman. Habang bumabagsak ang Imperyong Roman, lalo naming lumakas ang kristyanismo.

ANG MGA ARAL NI HESUKRISTO
Ø Si Hesukristo na nagtatag ng Kristyanismo ay ipinanganak sa Bethlehem at lumaki sa Nazareth.
Ø Hindi nagustuhan ng Imperyong Roman ang pagtanggap ng tap kay Hesus.
Ø Tumutol sila ditto sapagkat isinusulong ni Hesukristo ang paniniwala sa iisang Diyos na tinututulan naman ng Emperador ng Imperyong Roman.
Ø Noong 33 C.E., si Hesus ay ipinapatay sa pamamagitan ng pagpako sa Krus s autos ni Pontius Pilate, ang gobernador ng lalawigan ng Judea.
PAGPAPAHIRAP SA MGA KRISTYANO
Ø Pinapayagan ng Imperyong Roman ang iba’t ibang pananampalataya basta tinatanggap ng mga tao ang kapangyarihan ng pamahalaan. Subalit hindi ito tanggap ng mga Kristiyano na sumamba sa Emperador. Dahil dito, ang mga kristinao ay inakusahan bilang mga kalaban ng pamahalaan.
Ø Si Nero ay isa sa mga emperador na galit sa mga kristyano. Sinisi niya rito ang pagkasunog ng Rome noong 64 C.E. Dahil dito pinarusahan niya ito na ginaya naman ng iba pang sumunod na Emperador.
Ø Sa pamamagitan ng Edict of Milan, ginawa ni Emperador Theodisius ang kristiyanismo bilang opisyal na pananampalataya.



ANG UNANG SIMBAHAN
Ø Ang unang simbahan ay payak na simbahan.
Ø Ito ay binubou ng maliliit na grupo at ang bawat isa sa mga ito ay tinatawag na ecclesia, salitang Greek na ang ibig sabihin ay pagpupulong.
Ø Noon ay wala pang mga gusali sa kanilang pagpupulong.



ISANG PANLAHAT NA PANANAMPALATAYA
Ø Ang opisyal na aklat ng mga banal na kasulatan ng Kristyanismo ay ang Old Testament o lumang tipan ng mga Jew. Ang 27 aklat na isinulat nina Matthew, Mark, Luke, at John pagkamatay ni Hesus ang bumubuo naman ng New Testament o Bagong Tipan.
Ø Nakipag-ugnayan si Paul sa iba pang mga Kristyano sa pamamagitan ng mga sulat na nagtataglay ng mensahe ng pagpapasigla at payo. Ang tawag sa mga sulat na ito ay epistle.
Ø Ang opisyal na doktina ng simbahang kristyano ay inilagay sa maayos na panuntunan ng apat na dalubhasang pari – sina Ambrose, Jerome, Augustine, at Gregory.
Ø Sumulat si Ambrose ng mga himno na inaawit sa iba’t ibang seremonyang kristyano. Isinalin ni Jerome ang Bibliya sa Latin mula sa orihinal na greek at Hebrew. Sinulat naman ni Augustine ang tatlo sa pinakamahalagang aklat tungkol sa Kristianismo – Confessions, De Trinate, De Civitate Dei. Hinikayat ni Gregory ang mga tao na manalig sa kapangyarihan at pagpapala ng Diyos.


Awtor: Jotham Vibert Paulino

Mga Kontinente ng Daigdig



Awtor: Jana Dimarucut

Continental Drift Theory



src="http://static.slideshare.net/swf/ssplayer2.swf?doc=continental-drift-theory-1230620968691618-2&stripped_title=continental-drift-theory-presentation"
type="application/x-shockwave-flash" allowscriptaccess="always"
allowfullscreen="true" width="425" height="355">


Continental Drift Theory
View SlideShare presentation or Upload your own.


Awtor: Jana Dimarucut

Pinagmulan ng Daigdig

Pinagmulan Ng Daigdig

src="http://static.slideshare.net/swf/ssplayer2.swf?doc=pinagmulan-ng-daigdig-1230620834733440-2&stripped_title=pinagmulan-ng-daigdig-presentation"
type="application/x-shockwave-flash" allowscriptaccess="always"
allowfullscreen="true" width="425" height="355">

View SlideShare presentation or Upload your own.

Awtor: Jana Dimarucut