Tuesday, December 30, 2008

Ang Simbahang Katoliko noong Gitnang Panahon

ANG SIMBAHANG KATOLIKO SA GITNANG PANAHON





Noong unang daantaon B.C.E. umusbong ang isang bagong pananampalataya sa Palestine. Ito ay ang Kristyanismo.
Ang pananampalatayang ito ay nababatay sa mga aral ni jesus at nagsilbing gabay sa mga tao sa panahong punung-puno ng kaguluhan at tila kawalan ng pag-asa ang lupain.


PASILANG NG KRISTYANISMO








  • Sa panahon ng panunungkulan ni Herod sa
    Palestine, isinilang si Jesus sa Betlehem.




  • Lumaki siya sa Nazareth at sa gulang na tatlumpu,
    pagkataposna binyagan sa Ilog Jordan, nagsimula
    na siyang mangaral sa mga tao.




  • Ang mga aral miya ay nagkaroon ng malaking
    epekto sa kanluran.




  • Kanyang tinanggap ang sampung utos bilang gabay ng mga tao sa tamang pamumuhay.










ANG KAPAPAHAN




























ang kinikilalang kapangyarihang noong panahong medieval ay ang Simbahang katoliko.
Ang kristyanismo ay mayroong limang dyosesis: ang Jerusalem, Antioch, Alexandria, Constantinople, at Rome. Ang bawat isa ay pinamumunuan ng Obispo.
Si San Pedro ang unang Obispo ng Rome, na siya ring pinaniniwalaang binigyan ng panginoong hesukristo ng “susi ng kalangitan.”
Nang bumagsak ang imperyong Romano, ang kapangyarihan ng mga Ceasar ay napasalin sa Papa ng Rome, na siyang naging takbuhan ng mga tao sa oras ng pangangailangan at kagipitan.

ANG PAMUMUNO NG SIMBAHAN







  • Ang pinakamataas na pinuno ng simbahan ay ang Papa. Tanging ang papa lamang ang may kapangyarihan espiritwal tungkol sa lahat ng bagay na may kinalaman sa relihiyon at morilidad.




  • Ang mga alagad ng simbahan ay maaaring secular o regular. Ang secular ay yaong naglilingkod na walang kinabibilangang Orden at regular kapag may sinusunod na mga alituntunin at namumuhay sa isang Monasteryo.




  • Ang unang Monasteryo ay naitatagsa Egypt at Syria noong nasa unang taon pa lamang ang kristyanismo.


Awtor: Jotham Paulino

No comments:

Post a Comment