Sunday, January 4, 2009

Si Diocetian at Constantine

Constantine Diocletian


Si Diocetian at Constantine



  • Hinati ni Diocletian ang imperyo sa dalawa noong 285 C.E. dahil lubos na malaki daw ang imperyo para pangasiwaan ng isang tao.

  • Kumuha si Diocletian ng isang emperador upang pamunuan ang kanlurang bahagi samantalang siya ang nangasiwa sa silangang bahagi.

  • Ipinatupad niya ang pamumuno ayon sa prinsipyong despotism upang palakasin ang imperyo. Ang despotism ay nangangahulugang ang kapangyarihan ng pinuno ay walang hanggan o takda.


  • Muling pinag-isa ni Constantine ang imperyo noong 324C.E.

  • Pinagpatuloy ni Constantine ang pamahalaang despotic at gumawa ng higit na mahigpit na mga batas upang palakasin ang ekonomiya.

  • Inilipat ni Constantine ang kabisera ng imperyong Byzantium n binigyan niya ng bagong pangalan,”Constantinople”, alinsunod sa kaniyang pangalan sa kadahilanan na batid niya na ang kanlurang bahagi ng imperyo ay humihina samantalang ang lakas ng imperyo ay nakasalalay sa mga lalawigan sa silangan.

  • Pansamantalang pinigilan nina Diocletian at Constantine ang digmaang sibil at panghihina ng ekonomiya.


  • Tinangkang hadlangan nina Diocletian at Cnosatantine ang tuluyang pagkasira ng imperyo sa pamamagitan ng despotism.
    Subalit ito ay pagmamalabis sa kapangyarihan na hindi naging mabuti para sa imperyo.


Awtor: Rose Ann Necio

No comments:

Post a Comment