Pananalakay ng mga Barbaro
Noong ikaapat na siglo C.E., ang karamihan sa mga tribung German sa Europa ay naninirahan sa silangan ng Rhine River at sa hilaga ng Danube River. Ang mga Ostrogoth o East Goth at Visigoth o West Goth ay naninirahan sa silangan at hilaga ng Black Sea. Ang mga tribung naninirahan sa kanluran ng mga Ostrogoth at Visigoth ay ang mga Vandal, Lombard, Alemanni, Burgundian at Frank.
Ang mga tribung Germanic ay tinawag na mga barbaro dahil kung ihahambing sa Imperyong Roman, wala silang nasusulat na batas, panitikan o pilosopiya.
Ang mga tribung Germanic ay nagbubungkal ng lupa at nagpapastol ng mga hayop. Sila ay malalaki at masisiglang tao. Sinasamba nila ang iba’t-ibang diyos tulad ni Tiw,Thor, at Freya.
Namayani ang mga tribung Germanic sa pagbagsak ng Kanlurang Imperyong Roman. Sa pag-akyat ni Odoacer sa trono ng Rome, malaking bahagi ng Kanlurang IMperyong Roman ay nasa kamay na ng mga barbarong tribung Germanic –ang mga Angles at Saxon sa England; ang mga Frank sa Gaul; ang mga Visigoth sa Spain; at ang mga Ostrogoth sa Italy.

Awtor: Rose Ann Necio
No comments:
Post a Comment